Libre nang makagagamit ng WiFi ang mga residente sa Marikina City makaraang paganahin na ang kanilang WiFi system.
Ito’y makaraang aprubahan ng konseho ng lungsod ang isang ordinansa na nagbibigay ng libreng access sa internet at pagkakaroon ng free WiFi zone.
Ayon kay Percival Canlas, pinuno ng IT section ng city council, bagama’t layunin ng proyekto ang pamamahagi ng libreng koneksyon sa mga Marikeños, limitado pa rin aniya ang mga barangay na naaabot nito.
Pilot area ng libreng WiFi ang Freedom Park na malapit lamang sa city hall na mayroong free WiFi access tuwing ala 5:30 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.
Habang maaaari namang maka-access ng WiFi ang mga Marikeños mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi tuwing araw ng Sabado at Linggo kabilang na ang holidays.