Pinuri ng Department of Health (DOH) ang lokal na pamahalaan ng Marikina matapos maabot ang target population na 100% sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Binigyang puri rin si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa pagpayag sa mga residente mula sa mga kalapit na lungsod at lalawigan na ma-inoculate sa Marikina City ng isagawa ang Bayanihan, Bakunahan program nuong November 29 hanggang December 1.
Natanggap ni Teodoro ang certificates of recognition at appreciation sa awarding ceremony na dinaluhan ng mga opisyal ng DOH-NCR at Marikina Inter-Agency Task Force Against COVID-19.
Samantala, nakamit din ng Marikina City ang herd immunity nito noong unang linggo ng Disyembre matapos mabakunahan ang nasa mahigit 4,000 indibidwal. —sa panulat ni Kim Gomez