Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang maayos na pagbiyahe ng mga bakuna kontra COVID-19 na mula sa Metropac warehouse sa kanilang lungsod.
Ito’y ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro kasunod ng nakatakdang pagdating ng ikalawang batch ng mga bakunang astrazeneca ngayong araw na mula sa COVAX facility.
Sa panayam ng DWIZ kay Teodoro, nakipag-ugnayan na siya sa Department Of Health (DOH) at siniguro nito sa kaniya na agad ipaaalam ang anumang hakbang na gagawin mula sa nasabingh pasilidad.
Kausap ko si Director Ariel Valencia ng DOH , siya ang namamahala ng logistics ng DOH at ako nag-offer ako ng assistance kung kakailanganin ng DOH lalo na dun sa deployment ng bakunang manggagaling sa MetroPac. Ito yung huling delivery ng Astrazeneca at ang sabi naman niya sa akin, kung kakailanganin ang assistance ng LGU ay personal at direktang sasabihin sa akin,″pahayag ni Mayor Marcy Teodoro
Gayunman, aminado si Teodoro na tanging Coronavax pa lamang mula china ang kanilang natatanggap subalit ito aniya’y paubos na.
Ito ngang allocation naming ng Coronavac ay halos paubos na at wala na rin kaya nga gumawa ako ng kahilingan request kina Secretary Charlie (Carlito) Galvez na kung maaari ay mabigyan kami nitong allocation nitong Astrazeneca, dahil ito rin ang inaasahan ng mga medical frontliners natin na magkakaroon ng diversified portfolio of vaccine kung saan pwede sila makapamili,”ani Mayor Marcy Teodoro.