Umani ng papuri ang paghahanda at pagtugon ng pamahalaang lokal ng Marikina sa mga kalamidad gaya ng nagdaang paghagupit ng habagat.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesman Edgar Posadas epektibo ang early warning system na ipinatutupad sa Marikina maging ang pagkakaroon nito ng mga modular tents sa mga evacuation centers.
Sinabi ni Posadas na ang ganitong paghahanda sa sakuna ng Marikina ay maaari aniyang tularan ng iba pang mga lokal na pamahalaan.
“’Yung template po kasi nila, napakaganda nung early warning system nila, ‘yung pag-alarma ng pagtaas ng tubig, hindi lang ang pamahalaan ang nakakaalam nito kundi pati ang mga mamamayan, alam nila ang gagawin, siguro dapat tingnan na napaka-epektibo ng early warning system.” Ani Posadas
Samantala, pinaalalahanan din ni posadas ang mismong mga mamamayan na maging responsible sa kanilang kaligtasan lalo na sa panahon ng kalamidad.
“Makinig po tayo sa mga kinauukulan, tuloy po ang pakikipag-ugnayan sa publiko para ma-emphasize ‘yung point na dapat hanada tayo lagi, maiwasan ang mga sakuna, at manatili tayong ligtas.” Pahayag ni Posadas
(Balitang Todong Lakas Interview)