Muling inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang ‘rat to cash’ program.
Ito ay para mapigilan ang pagkalat ng sakit na leptospirosis, na nakukuha sa ihi ng dagat lalo kapag baha.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, magbibigay sila ng P200 kapalit ng kada mahuhuling mga daga, buhay man o patay.
Depende ang makukuhang pera sa timbang ng daga, kung saan P50 ang pinakamababa habang P200 ang pinakamataas.
Ang mga nahuling daga ay dadalhin sa City Envonmental Management Office at pagkatapos ay ilalagay sa yellow trash bins para mauri bilang infectious waste.
Para naman maiwasan ang posilibilidad na magkaroon ng sakit, mamimigay ang lgu ng gamot na Doxycycline, isang preventive medicine laban sa leptospirosis.
Hanggang bukas, Setyembre disi-sais tatagal ang programa na ekslusibo para sa mga residente ng Marikina.