Pormal nang naghain ng kaniyang kandidatura para sa ikatlo at huling termino si Marikina City Mayor Marcelino Marcy Teodoro
Inihain ni Teodoro ang kaniyang kandidatura sa opisina ng Local Comelec sa bahagi ng Marikina Sports Complex sa Brgy. Sta. Elena ganap na ika-siyam kaninang umaga
Kasamang naghain ni Teodoro ng kaniyang kandidatura ang may bahay nitong si Ginang Marjorie Teodoro
Muling hiningi ni Teodoro ang suporta ng kaniyang mga nasasakupan at nagpasalamat sa tiwalang ibinibigay sa kaniya ng mga ito
Bago naging Alkalde nuong 2013, nagsilbi munang kinatawan ng lungsod si Teodoro sa mababang kapulungan ng Kongreso. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)