Nanawagan si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ng collaboration sa pagbabakuna sa Local Government Units sa National Capital Region plus para maabot ang herd immunity rito.
Ayon kay Teodoro, hinihintay nila ang polisiya sa national vaccine operations center para makatulong ang lahat at maabot ang herd immunity hindi lamang sa NCR kundi sa mga kalapit na lugar.
Sinabi ni Teodoro na nag commit ang city government sa operations center na tutulong sila sa pagbabakuna sa mga kalapit na bayan at lungsod.
Binigyang diin ni Teodoro na ang daylight population o mga taong regular na nagtutungo sa Metro Manila para sa trabaho, school o negosyo ay dapat masakop ng vaccination efforts ng NCR LGU’s.