Naghahanda na ang Marikina City government hinggil sa posibleng pagtaas pa ng COVID-19 cases at mapigilan ang pagpasok ng delta variant sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, magpapatupad sila ng mas mahigpit na protocols upang matiyak na hindi kakalat ang mas nakakahawang variant ng COVID-19.
Paliwanag ni Teodoro, simula nang mag-umpisa ang pandemya ay naging agresibo na sila at proactive sa kanilang COVID-19 response.
Nangako ang Alkalde na ipatutupad ang mas pinaigting na COVID-19 testing, contact tracing at isolation.
Umapela rin si Mayor Marcy sa gobyerno na magpadala pa ng karagdagang COVID-19 vaccines sa lungsod upang mas marami pa ang mabakunahan.—sa panulat ni Hya Ludivico