Update: Kinumpirma ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, sa panayam ng DWIZ, na inalis na ang alert level sa Marikina River.
Ito ay makaraang bumaba na sa 14.8 meters, pasok na sa normal water level ng ilog, ang water level ng Marikina River.
Alas-10 ng umaga, bumaba na sa 14.8 meters ang water level sa Marikina River. Ibig sabihin, wala na ang ating first alarm level,” ani Teodoro. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882
Ibinaba na muli sa unang alarma ang Marikina River ngayong umaga ng Huwebes.
Ayon sa Marikina Public Information Office (PIO), bumaba na sa 15.3 meters ang water level nito kaninang alas-9 ng umaga.
Una nang itinaas sa unang alarma ang Marikina River nang umabot sa 15 meters ang water level nito mula sa below 15 meters lamang na normal water level ng ilog, pasado ala-una ng madaling araw.
Inakyat pa ito sa ikalawang alarma nang sumampa pa ang lebel ng tubig nito sa 16 meters dakong alas-4:28 naman ng umaga.
Samantala, itinataas ang first alam sa Marikina River oras na pumalo na sa 15 meters above sea level ang lebel ng tubig nito, habang second alarm naman kung umabot na ito sa 16 meters.
Oras namang umabot na sa 18 meters ang water level ng Marikina River, itataas na ang ikatlong alarm sa ilog at kinakailangan nang magpatupad ng forced evacuation sa mga apektadong residente.