Target ng Marikina City na mabakunahan kontra COVID-19 ang mahigit 60,000 na mga batang edad 5 hanngang 11.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, kinakailangan ang parent’s informed consent at child’s assent upang makatanggap ng bakuna.
Aniya, ikakasa sa mga paaralan ang pagbabakuna sa mga paaralan dahil mayroon itong organizational capacity para sa registration at post-monitoring.
Balak ng lungsod na maturukan ng COVID-19 vaccine ang nasa 1,000 hanggang 1,500 na mga bata kada araw.
Sa lunes, Pebrero a-7, sisimulan ang Pediatric Vaccination para sa nasabing age group.