Pinakakasuhan ng United Filipino Seafarers ang Marina at Philippine Coast Guard (PCG) sa trahedya ng paglubog ng MB Kim Nirvana sa Ormoc, na ikinasawi ng mahigit 60 katao.
Sinabi sa DWIZ ni Engineer Nelson Ramirez, Pangulo ng grupo na dapat kasuhan ng gross negligence at abuse of authority ang mga opisyal ng Marina na nagbigay ng certification of public convenient sa nasabing motor banca na hindi naman dapat, gayundin ang Coast Guard na aniya’y hindi ginawa ang kanilang tungkulin.
DOTC
Posibleng mapanagot din ang Maritime Industry Authority o Marina sa nangyaring paglubog ng MB Kim Nirvana kung saan nasawi ang higit sa 60 katao.
Ayon kay Department of Transportation and Communication (DOTC) Joseph Emilio Abaya, ito ay kung mapapatunayan na may pagkakamali sa naging disenyo ng motor banca kaya ito lumubog.
Kumikilos na aniya ang DOTC upang suriin ang anggulong ito habang inaalam din kung sino ang naval architect na nag-apruba sa disenyo.
Una nang sinabi ni Engineer Nelson Ramirez ng United Filipino Seafearers na hindi pasado sa safety standards ang bangka.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5) | Rianne Briones