Aprubado na ng House Committee on Transportation ang panukalang batas para sa paglikha ng Maritime Industry Authority o MARINA extension offices sa Cagayan Valley, Central Luzon at MIMAROPA.
Layon ng panukala na ilapit ang serbisyo ng ahensya sa mga marino.
Ayon kay house deputy majority leader at marino partylist Rep. Sandro Gonzales, matutugunan ng panulaka ang hiling ng mga Pilipinong seafarer na nahihirapan sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.
Samantala, umaayon ang panukala sa hangarin ng administrasyong Marcos na mapag-pabuti pa ang pagbibigay ng maayos at dekalidad na serbisyo at maisulong ang maritime industry sa bansa.
Humihirit ng 23 billion pesos na budget ang Department of Environment and Natural Resources o DENR para sa taong 2023.
Ito ay matapos ipangako ng kagawaran ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman sa susunod na anim na taon.
Ayon kay environment secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, suportado nito ang layunin ng ahensya.
Pinagtutuunan din ng pansin ng DENR ang pagpapatibay ng kanilang climate risk lens sa national planning at mga polisiya.
Sinabi pa ni Loyzaga na hahabulin din ng kagawaran ang konserbasyon ng 248 protektadong lugar at biodiversity, inland at wetlands at proteksyon ng 64 classified caves para sa biodiversity conservation.
Prayoridad din ng DENR ang pamamahala sa 33 maritime protected areas na layong suportahan ang fish productibity at biodiversity-friendly livelihood enterprises para sa mga coastal communities.—mula sa panulat ni Hannah Oledan