Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Marinduque matapos matinding masalanta ng bagyong Tisoy.
Ayon kay Marinduque Provincial Risk Reduction and Management Council Chief Rino Labay, inaprubahan na ng sangguniang panlalawigan ang resolusyon para sa pagdedeklara ng state calamity sa buong probinsya.
Ito ay matapos namang maunang magdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Boac, Gasan at Torrijos.
Sinabi ni Labay, malaki ang maitutulong ng deklarasyon para mas mapabilis ang pagbibigay ayuda sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Tisoy.