Aapela ang local government ng Marinduque sa IATF para maitaas ang kanilang quarantine classification kasunod nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Ayon kay Marinduque Governor Presbitero Velasco, dapat na mag GCQ na sila mula sa MGCQ dahil nasa alert level 3 na ang kanilang probinsya matapos tumaas ang kaso ng infection na posibleng itinulak ng Delta variant ng Coronavirus.
Ipinabatid ni Velasco na hanggang nitong Agosto 12 ay nakapagtala sila ng 1,155 cases samantalang nitong Mayo ay nasa 390 cases lamang na patunay ng doble o tripleng pagtaas ng kaso ng virus kaya’t nahihirapan silang i-manage ito na tila na overwhlem ang pasilidad nila.
Nakahanda na aniya silang ilabas ang kautusan kaugnay sa GCQ status na ipatutupad sa loob ng dalawang linggo.