Faith in humanity was restored. ‘Yan ang pinatunayan ng mga marine students dahil agad na tinulungan ng mga ito ang isang matandang nagtitinda ng taho na natapon ang paninda sa mismong harapan nila.
Ang buong kwento, eto.
Sa isang video na in-upload ni Dan Dais II sa social media, makikita ang isang marine cadet na nangongolekta ng pera sa gitna ng kumpulan ng iba pang mga kadete.
Ang mga lalaki, naka-liberty leave pala kaya mayroong dalang maleta ang mga ito.
Nagkataon pa na natalisod sa labas ng kanilang barracks ang isang matanda kung kaya tumapon at nagkalat ang paninda nitong taho.
Ang mga good samaritan students, walang pag-aatubili na nag-ambagan para kahit paano ay mayroon pa ring mauwi sa kaniyang pamilya ang magtataho kahit natapon ang paninda nito.
Nang makapagbigay ang lahat ng mga estudyante, agad nilang ibinigay ang nakalap nilang pera sa matanda sabay sabing pwede na itong umuwi at binilinan pa ito na mag-ingat.
Last year pa raw nangyari ang insidente pero ngayong buwan lang in-upload ni Dan, at hangad niya na magsilbi itong magandang halimbawa sa maraming tao.
Umani na ng 5 million views ang video at 12.1k comments na punong-puno ng papuri sa mga estudyante. Mayroong mga natuwa sa ginawa ng mga lalaki dahil patunay daw ito na nag-eexist pa rin ang humanity.
Isa namang anak ng taho vendor ang nagpasalamat sa kabutihang ipinakita ng mga kadete at katulad ng iba, hiniling nito na maging successful ang mga lalaki at bumalik sa mga ito ang good karma.
Ikaw, tutularan mo ba ang ginawa ng mga estudyante kung ikaw ang nakasaksi sa nangyari sa matanda?