Laya na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos bawiin ng Department of Justice o DOJ ang paghaharap ng mga kasong may kinalaman sa conspiracy, manufacture at possession of illegal drugs laban sa kanya at Chinese interpreter na si Yan Yi Shou.
Pasado alas-5:00 ng hapon ng Huwebes nang makalabas si Marcelino mula sa detention cell ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.
Mismong si PAO o Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta ang naghatid ng release order ng Korte sa kampo at siyang nagsundo kay Marcelino.
Emosyonal namang humarap sa media si Marcelino.
Aniya, pinapatawad niya ang mga operatiba na humuli at nagpakulong sa kanya.
Naniniwala si Marcelino na walang mali sa naging desisyon ng DOJ makaraan siyang absweltuhin sa kaso.
Ngayong laya na, maaari nang makabalik sa military service si Marcelino lalo’t aktibo pa siyang miyembro ng Philippine Marines.
By Meann Tanbio | With Report from Jonathan Andal