Laya na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos bawiin ng Department of Justice ang paghaharap ng mga kasong may kinalaman sa conspiracy, manufacture at possession of illegal drugs laban sa kanya at Chinese interpreter na si Yan Yi Shou.
Pasado alas 5:00 ng hapon kahapon nang makalabas si Marcelino mula sa detention cell ng Intelligence Service ng AFP sa Camp Aguinaldo.
Mismong si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta ang naghatid ng release order ng korte sa kampo at siyang nagsundo kay Marcelino.
Emosyonal namang humarap sa media si Marcelino.
Aniya, pinapatawad niya ang mga operatiba na humuli at nagpakulong sa kanya.
Naniniwala si Marcelino na walang mali sa naging desisyon ng DOJ makaraan siyang absweltuhin sa kaso.
Ngayong laya na, maaari nang makabalik sa military service si Marcelino lalo’t aktibo pa siyang miyembro ng Philippine Marines.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal