Itinutulak ng mga environmentalist ang paglikha ng isang marine peace park and sanctuary sa South China Sea.
Sa isang petisyon sa International Union for the Conservation of Nature o IUCN World Conservation Congress, iginiit ng mga environment advocate na ang gusot sa pagitan ng mga bansa sa Asya sa West Philippine Sea ay nagiging banta sa marine resources.
Si Joseph Moravec ng Center for Environmental Legal Studies sa New York ang nagsampa ng petisyon kabilang ang 11 co-sponsors at gayundin ang ecological society of the Philippines, Sierra Club at iba pang mga organisasyon sa Australia, Bangladesh, Lebanon at Pakistan.
Ipinaalala rin ng grupo ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration kung saan binanggit ang unti-unting pagkasira ng mga yamang dagat dahil sa island building activities ng China sa naturang rehiyon.
By Jelbert Perdez