Naghain ng resolusyon sina Marino Party-List Representatives Sandro Gonzales at Macnell Lusotan na humihimok sa Department of Foreign Affairs o DFA na palawigin ng dalawang taon ang passport validity ng mga Filipino seafarers at land-based overseas Filipino workers.
Sinabi ng mga mambabatas sa ilalim ng inihaing resolusyon na ang pagkaantala sa pagproseso ng mga pasaporte ay posibleng magresulta na mawalan ng mga oportunidad sa trabaho ang mga nasabing indibidwal.
Kaugnay nito, hinikayat nina Gonzales at Lusotan ang DFA na palawigin ang nasabing validity ng passport ng mga OFWs na nakatakdang i-deploy sa loob ng 120 o kasalukuyang nagtatrabaho sakaling maaprubahan ang naturang resolusyon.
Nauna nang sinabi ng DFA na may mga backlogs sa pagproseso ng passport applications at renewal dulot ng limitadong appointment slots dahil sa pandemya. —sa panulat ni Airiam Sancho