Welcome kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng maritime border talks ang Pilipinas at China hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa Pangulo, dapat na gamitin ang istratihiya na 1994 Filipino at Indonesian maritime border, dahil isa itong pagkakataon upang mabuksan ang talakayan at pakikipag-ugnayan ng bansa sa china na inaasahang mangyayari.
Sa kabila nito, nangako si Pangulong Marcos na dedepensahan ng kanyang administrasyon ang interes ng bansa pagdating sa West Philippine Sea (WPS)
Matatandaang nagkakaroon ng girian ang Pilipinas at China dahil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).