Plano ng Department of National Defense (DND) na bumili ng maritime patrol plane mula sa Japan.
Ayon kay Defense Spokesman Peter Galvez, ito ay upang mapahusay ang territorial defense capabilities ng bansa.
Ipinabatid ni Galvez na plano nilang bumili ng P-3 Orion Plane na kayang mag-detect ng mga submarine at magsagawa ng air surface at sub-surface patrol operations.
Maaari aniya silang pumasok sa tinatawag na “excess defense article deal” sa Japanese government para sa posibleng acquisition.
By Meann Tanbio