Nagsimula na ang maritime research ng China sa Eastern Seabord ng Pilipinas.
Ito’y makaraang dumating na sa bansa ang pinaka-sopistikadong research vessel ng China na magsasagawa ng marine scientific research sa Benham Rise.
Alinsunod ito sa ibinigay ng permit ng gobyerno ng Pilipinas partikular ng Department of Foreign Affairs sa Institute of Oceanology of Chinese Academy of Sciences upang mangolekta ng datos mula sa western Pacific Ocean.
Katuwang ng mga Tsino ang mga Filipino scientists mula sa University of the Philippines Marine Science Institute.
Tatlumpu’t tatlong araw lamang ang itatagal ng permit o hanggang Pebrero a-bente singko at saklaw nito ang silangang bahagi ng Luzon at Mindanao.