Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang on going maritime security bilateral training sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at US Forces.
Ayon kay AFP Chief of Staff Hernando Iriberri, nakatutok ang training para mahasa ang mga tropang Pinoy sa mga bagong kagamitan.
Paglilinaw ni Iriberri, walang kinalaman ang naturang exercise sa mainit na isyu sa West Philippine Sea.
Aniya, ang nasabing traning exercises ay kasama sa list of activities na naaprubahan ng Mutual Defense Board at Security Engagement Board.
By Rianne Briones