Sinagip ng Maritime Security Unit ng Thailand Navy ang isang Vietnamese National na napadpad sa karagatang sakop ng kanilang bansa.
Ayon sa otoridad, namataan nila ang isang inflatable rubber craft sakay ang dayuhang si Ho Hoang Hung na naglakbay ng halos dalawang libong kilometro mula Thailand patungong India.
Anila, nitong tumawid sa Bay of Bengal kahit nalalapit na ang pagsisimula ng cyclone season. bitbit lamang ang cup noodles at kakaunting tubig.
Paliwanag ng 37 anyos na Vietnamese, nais niyang puntahan ang kaniyang asawa na nagtatrabaho sa Mumbai, India at hindi na nakabalik pa ng kanilang bansa dahil sa umiiral na COVID-19 restrictions.
Nabatid na una na itong lumipad sa Bangkok mula Vietnam pero hindi ito nakabiyahe patungong India dahil wala itong visa.
Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang Thai Navy sa Vietnamese Embassy at sa Indian Embassy. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles