Sinelyuhan na ng Pilipinas at Germany ang kasunduan para sa pagpapatatag ng maritime transport ng dalawang bansa.
Isang letter of intent para sa maritime transport cooperation ang nilagdaan nina Transportation Secretary Arthur Tugade at German Federal Ministry of Transportation and Infrastructure State Secretary Michael Odenwald.
Ayon kay Tugade, matagal ng taong nabinbin ang naturang kasunduan na magiging daan para sa pagtalakay sa mga proposal, paglikha at pagpapatupad ng ilang proyekto para sa interes ng Pilipinas at Germany at kooperasyon para sa marine pollution prevention.
Nito lamang mga nakalipas na buwan ay ilang beses nag-usap sina Tugade and at Odenwald hinggil sa posibilidad na mag-develop at magpatupad ng mga proyekto.
By Drew Nacino
Maritime transport agreement nilagdaan ng PH at Germany was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882