Nakalaya na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos ang mahigit isang taon na pagkakakulong.
Batay sa kumpirmasyon ng isang opisyal mula Pampanga Provincial Jail, nakalabas ng kulungan si Fernandez noong Biyernes ng gabi.
Sinalubong ang aktor ng kanyang malalapit na kaanak sa kanyang paglabas.
Nabatid na na-dismiss ang kasong transportation of illegal drugs at tanging paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o hindi naging magandang asal sa checkpoint.
Matatandaang, nahulihan si Fernandez ng isang kilong Marijuana sa kanyang sasakyan sa bahagi ng Angeles City Pampanga, Oktubre noong nakaraang taon.