Kinumpirma ng Malakaniyang ang pagbabalik ni dating Pampanga Gov. Mark Lapid sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone (TIEZA).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lapid bilang board member ng TIEZA epektibo nuon pang Enero a-singko.
Magugunitang nagsilbi nang Chief Operating Officer (COO) si Lapid sa nasabing ahensya nuong administrasyon ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.
Subalit nagbitiw ito sa puwesto noong 2016 nang sumabak ito sa national elections at tumakong senador bilang independent candidate.
Magugunitang ipinagharap din ng kasong graft si Lapid noong 2018 dahil sa umano’y maanomalyang kasunduan para sa operasyon ng sewerage system ng Boracay kasama si dating Tourism Sec. Wanda Tulfo – Teo.