Tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Ito ang kinumpirma ni Villar sa kanyang post sa Facebook.
Ayon kay Villar, ngayon lamang niya natanggap ang test result na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.
Hindi naman binanggit na kalihim kung may nararamdaman siyang sintomas o kung siya ay asymptomatic.