Tinanggap na ni Las Piñas Representative Mark Villar ang alok ni presumptive president Rodrigo Duterte bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Villar, napagdesisyunan niyang tanggapin ang alok matapos konsultahin ang kanyang pamilya at constituents.
Si Villar ay anak nina Senadora Cynthia Villar at dating Senate President Manny Villar, presidente ng Nacionalista Party.
Kaugnay nito, sinabi ni Ginang Villar na kaya naman nilang pondohan ang pagpapagawa ng kalsada sa mga lugar na mayroong proyekto ang kanilang kumpanyang real estate.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)