Sumalang na sa una sa dalawang marathon hearings ng US senate ang Facebook founder at CEO na si Mark Zuckerberg.
Kaugnay ito sa kontrobersyal na data breach matapos ma-access ng British political consulting firm na Cambridge Analytica ang datos ng 87 million Facebook users sa buong mundo.
Palaisipan para sa mga senador kung paano na-access o na-kolekta ang mga data nang hindi alam ng mga user na isang indikasyon na nilabag ng social media giant ang privacy ng kanilang mga taga-tangkilik.
Kinuwestyon ng mga mambabatas si Zuckerberg kung may kakayahan ang Facebook na i-regulate ang sarili nito at magpatupad ng privacy rules.