Pasang-awa ang binigay na marka ng grupo ng mga guro para sa naging sona o State of the Nations Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Teachers Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas, positibo ang mga guro sa pangako ng pangulo na magkakaroon ng umento sa sahod ang mga empleyado ng gobyerno.
Ngunit sa kabila nito, umaasa pa rin ang mga guro na maaprubahan na sa kongreso ang panukalang P10,000 ang kanilang across the board wage increase.
Hindi po siguro tama na paghihintayin pa kami ng another three years para ma-implement po, if ever, na ipapasa itong P10,000 across the board. Kaya po sabi namin, kung ipasa, sana isang bigayan nalang. But then again sabi nga po namin kanina ay maaari naman talaga ito. We are open, no, to amendment like gawin itong dalawang bigay or even tatlong bigay, no,” ani Basas.
Balitang Todong Lakas