Sinimulan na kaninang umaga ng mga tindero sa mga palengke sa Maynila ang kanilang market holiday.
Ito ay upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagsasapribado sa 17 pangunahing pamilihan sa lungsod.
Sa halip na magtinda, sumugod ang mga ito sa tapat ng Manila City Hall at nagsagawa ng noise barrage.
Madaling araw pa lamang ay nakapaskil na rin ang mga karatula at placard kung saan nakasulat ang mga katagang “no to privatization of manila’s public markets, yes to market upgrading”.
Una nang nagbabala si Manila Mayor Joseph Estrada na ipapaaresto ang mga vendor na sasali sa nasabing protesta.
By Katrina Valle | Judith Larino | Aya Yupangco