Pansamantala munang titigil sa pagtitinda ang mga may puwesto sa 7 pamilihan sa lungsod ng Maynila ngayong araw.
Kasabay ito ng ikinasa nilang market holiday upang tutulan ang pagpasok ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga kontrata para isapribado ang mga palengke sa lungsod.
Kabilang sa mga palengkeng magsasara ay ang Trabajo, Sampaloc, Pritil, Quinta, Dagohoy, San Andres at Sta. Ana Market.
Ayon sa grupong SAMPAL o Save Manila Public Market Alliance, dapat ibasura ng pamahalaang lungsod ang ipinasang ordinansa ng konseho na nagbibigay kapangyarihan kay Mayor Erap na pumasok sa mga kasunduan para isapribado ang mga palengke.
Batay sa tala, aabot na sa 17 mga pampublikong palengke ang nakatakdang isapribado ng pamahalaang lungsod ng Maynila batay na rin sa pinasok na joint venture agreement.
By Jaymark Dagala