Kinumpirma na ni Markus Paterson na halos isang taon na silang hiwalay ng kaniyang girlfriend at ina ng kaniyang baby na si Janella Salvador.
Kasunod ito ng maging paksa si Paterson sa social media matapos magbitiw ng pahayag tungkol sa pag-iwas sa pakikipagdate sa kasamahan nito sa industriya.
Depensa ng aktor, hindi ito tungkol kay Janella.
Gayunman, inamin ng aktor na mali ang naging interpretasyon niya sa kaniyang sinabi.
Sa ngayon, wala pang pahayag si Janella sa kanilang relasyon ni Markus.—sa panulat ni Hannah Oledan