Sa kabila ng mga tsimis na on the rocks ang relasyon ngayon nina Miss Universe Pia Wurtzbach at boyfriend nitong si Marlon Stockinger, nagbigay ng isang matamis na mensahe si Stockinger para sa ika-28 kaarawan ni Pia.
Ipinost ni Marlon ang larawan nila ni Pia kung saan ay nakayakap ito at humahalik sa nobyang beauty queen.
Sa caption, inilagay ni Marlon na nais niyang gawing araw – araw ang birthday ni Pia at hangad nito ang maraming biyaya sa nobya.
Sumagot naman ng ‘Thank You My Love’ si Pia na tila nagpapahiwatig na hindi pa sila hiwalay ni Marlon.