Walang epekto sa turismo ng bansa ang martial law sa Mindanao at bakbakan sa Marawi City.
Muli itong tiniyak ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre sa harap ng posibilidad na palawigin pa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Alegre, positibo silang maaabot pa rin nila ng pitong milyong turista na target nila ngayong 2017.
Sa katunayan, sa China pa lang anya ay abot kamay na nila ang target na isang milyong turista ngayong taon.
“We will make the one million marks from China alone, we have surpassed the five hundred thousand marks.”
“Remember, we only had 675,000 last year from China.”
“The estimate is we have grown by 36.29% from 285,000 in 2016 up to May, we are now 388,896 and continue to grow with the revelation of January to May we stick by the seven million.”
“If ever, it will be short by about a hundred thousand.”
- Len Aguirre | Karambola Program (Interview)