Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagsasabi kung hanggang kailan mananatili ang Martial Law sa Mindanao.
Ito ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon pagkatapos nilang dumalo sa closed door executive session ng mga Senador kahapon.
Binigyang diin ni Esperon, maliban sa Maute Group na sumasakop ngayon sa Marawi City, may kinahaharap ding banta ang pamahalaan mula sa iba pang mga grupo tulad ng Abu Sayaf, BIFF, NPA at mga sindikato ng droga na nakakalat sa buong Mindanao.
Kasunod nito, nanawagan si Esperon sa publiko na bigyang pagkakataon ang batas militar na maresolba ang kinahaharap na problema ng bansa sa terorismo at masagip ang buhay ng maraming Pilipino.
By: Jaymark Dagala