Nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi kailangang aprubahan ng Kongreso ang pagdedeklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law.
Sinabi ni Alvarez na ayon sa batas, kailangan lamang mag-convene ng dalawang Kapulungan ng Kongreso kung mayroong tumututol sa pagdedeklara ng Martial Law at kung puputulin na ang pagpapatupad nito.
Nakatakda aniyang magbigay ng briefing sa Kongreso ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan sa Miyerkules.
“Dito kasi ang dapat nating pakinggan ay yung nag-ooperate doon sa ground, yung military, yung pulis, sila ang nakakaalam doon kung naroon pa ang threat.“ Pahayag ni Alvarez
Senate
Samantala, iginiit ni Senate President Koko Pimentel na walang dapat ipangamba ang publiko sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Pimentel, hanggat walang ginagawang paglabag sa Saligang Batas ang tropa ng militar ay dapat mapanatag ang kalooban mga Pilipino.
Sa halip na katakutan, dapat pa aniyang bigyan ng sapat na respeto at paghanga ang mga sundalo at iba pang mga awtoridad na itinataya ang kanilang buhay para proteksyunan ang taumbayan.
By Katrina Valle | Karambola (Interview)
Martial Law di kailangang aprubahan ng Kongreso was last modified: May 29th, 2017 by DWIZ 882