Mariing inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ibabase sa rekomendasyon ng AFP at PNP ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Pahayag ng punong ehekutibo, marahil ang Martial Law extension ang nakikitang solusyon ng tropa ng pamahalaan upang mapigilan ang panibagong banta ng terorismo sa Mindanao.
Samanatala, naniniwala ang Pangulo na hindi umabuso ang mga sundalo sa Marawi, taliwas sa ibinabato ng human rights group na Amnesty International.
Giit ni Pangulong Duterte, hindi dapat paniwalaan ang mga black propaganda ng kanyang mga kritiko na sinasabing sangkot umano sa pangnanakaw o looting ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng buhay sa lunsod ng Marawi.