Nakatakdang makipagpulong ng mga senador kay Pangulong Rodrigo Duterte upang tanungin kung may nais pa itong palawigin ang idineklara niyang Batas Militar sa Mindanao.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, sinasabing closed door ang magiging pagpupulong sa Malacañang kasama ang mga security officials upang silipin ang pinakahuling sitwasyon sa Marawi City.
Sa panig naman ni Senador JV Ejercito, batid niyang security briefing lamang sa Marawi ang magiging paksa ng pagpupulong.
Inaasahan naman ni Senador Richard Gordon na hihirit ng extension si Pangulong Duterte sa Martial Law sa Mindanao upang ganap na matapos ang problema roon.
Pero babala naman ni Minority Leader Franklin Drilon, hindi dapat lumagpas ng animnapung (60) araw ang idineklarang Batas Militar sa itinatakda ng konstitusyon.
By Jaymark Dagala
Martial Law extension posibleng desisyunan na was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882