Nagdeklara ng Martial Law sa buong Mindanao ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa ginawang press conference sa Moscow, Russia matapos lusubin ng Maute Group ang Marawi City kung saan inatake nito ang isang ospital at sinunog ang isang paaralan at bilangguan.
Sinabi ni Abella sa binasang pahayag ng Pangulo na tatagal ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao ng animnapung (60) araw.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella