Nanawagan ang Save Sulu Movement kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng Martial Law sa anim (6) na munisipalidad ng Sulu.
Tinukoy ni Professor Octavio Dinampo, tagapagsalita ng grupo, ang mga bayan ng Patikul, Indanan, Parang, Maimbung, Talipao, Kalingalan Caluang na sinasabing binabalot ng terorismo.
Hinikayat din ng grupo ang Senado na imbestigahan ang nangyayaring ugnayan ng mga pulitiko at Abu Sayyaf Group.
Umapela rin ang mga ito sa Kongreso na gawing kasong krimen ang pagbabayad at pagtanggap ng ransom.
By Rianne Briones
Martial Law sa 6 na lugar sa Sulu ipinanawagan sa Pangulo was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882