Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng Martial Law sa oras na hindi na ma-kontrol ang kaguluhan at terorismo sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa pulong ng Local Chief Executives sa Mindanao, umapela ang Pangulo na tulungan siya para labanan ang terorismo sa rehiyon.
Ang mga Local Executive anya ang tanging makatutulong upang maiwasan ang terorismo at hindi maperwisyo ang mga mamamayan mula sa kaguluhan.
Sa sandali anyang maging “out-of control” ang karahasan sa Mindanao dahil sa terorismo at extremism ay mapipilitan siyang magdeklara ng batas militar.
By Drew Nacino / Aileen Taliping (Patrol 23)