Pabor ang mga hepe ng pulisya at militar na ipatupad na lamang sa mga piling lugar sa Mindanao ang Martial law.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Noel Clement, batay resulta ng pauna nilang assessment, marami nang lugar sa Mindanao ang mas maganda na ang sitwasyong panseguridad.
Gayunman, wala pa aniya silang final reccomendation dahil kasalukuyan pa ang assessment.
Sa panig ni PNP officer in charge (OIC) Lt. General Archie Gamboa, inatasan na nya ang Diretorate for Operations at Intelligence na magsumite na ng report hinggil sa assessment nila ng seguridad sa Mindanao.
Gayunman, sinabi ni Gamboa na ngayon pa lamang ay nakikita nyang puwede nang tanggalin ang Martial law sa ilang lugar at ipatupad na lamang ito sa mga lugar kung saan malakas pa ang presensya ng mga terorista.