Binigyang diin ng Department of National Defense o DND na hindi pa babawiin ng pamahalaan ang ipinatutupad na Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana , ito ay kahit pa napatay na ng militar ang dalawang lider ng teroristang grupo na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Ani Lorenzana, tutukan ngayon ng gobyerno ang “aftermath” ng nagpapatuloy na gyera sa Marawi City at saka pa lamang malalaman kung babawiin na ang ipinatutupad na Martial Law.
Dagdag pa ni Lorenzana, nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung babawiin na nito o ipagpapatuloy ang ipinatutupad na Batas Militar sa Mindanao.
—-