Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.
Sa televised interview ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo kay Pangulong Duterte kahapon, ipinagmalaki ng Punong Ehekutibo na malaki ang ibinawas ng krimen sa Mindanao dahil sa batas militar.
Ayon sa Pangulo, wala naman siyang natatanggap na mga reklamo nang pang-aabuso ng militar sa mga sibilyan dahil tanging sa mga kriminal at grupo o personalidad na maaaring maghasik ng kaguluhan ang kanilang tinututukan.
Isinagawa ang interview sa Pangulo kasabay ng ika-101 kaarawan ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos na nagpatupad ng martial law noong 1972.
—-