Nawalan na ng bisa ang martial law sa Mindanao kasabay ng pagpasok ng bagong taon.
Hindi na humingi pa ng extension ang Pangulong Rodrigo Duterte ng extension sa Kongreso sa harap na rin ng rekomendasyon ng Dept of Defense at Armed Forces na hindi na kailangan pa ang martial law sa Mindanao.
Samantala, bago nagtapos ang martial law sa Mindanao lumabas sa random survey ng Social Weather Station na anim sa bawat sampung pinoy ang nagsabing dapat nang tapusin ang batas militar sa Mindanao.
Unang idineklara ang martial law sa Mindanao nuong 2017 matapos atakihin ng mga terorista ang Marawi City.