Itinuturing na bentahe pa ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang idineklarag Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla ay dahil sa naging pabor pa ito sa mga tropa ng pamahalaan para durugin ang terrorist group na Maute .
Gayunman, nilinaw ni Padilla na hindi nila pinangungunahan ang Korte Suprema sa magiging desisyon nito dahil hindi na nila kailangan pang pumila sa mga husgado para kumuha ng search o arrest warrant.
Magugunitang tinapos na nuong isang linggo ng Korte Suprema ang oral arguments hinggil sa mga petisyong kumukuwesyon sa ligalidad ng idineklarang batas militar sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala