Posibleng hilingin ng Armed Forces of the Philippines na palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Sa kabila ito ng pagdedeklara ng kalayaan sa Marawi City matapos na mapatay ang dalawang lider ng Maute ISIS group.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, nananatili pa rin ang banta ng iba pang mga local terrorist group sa Mindanao na target ng kanilang patuloy na opensiba .
Sinabi pa ni Padilla na patuloy din ang kanilang pagsisikap na matugunan at maibalik sa normal ang sitwasyon sa Mindanao bago matapos ang taon.
Nagpapatuloy din aniya ang kanilang clearing operations sa sampu pang mga barangay sa Marawi City para sa tuluyang pagbangon ng lungsod.