Malayo pang mangyari sa ngayon na ideklara ang Martial Law sa Visayas at Mindanao.
Ito ang nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon kaugnay ng naunang pahayag ng Pangulong Duterte na posibleng isailalim sa batas militar ang buong bansa kung lalala ang sitwasyon.
Sinabi ni Esperon na mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga kinauukulang ahensya upang tiyaking hindi makakapasok sa karagatan ng Visayas ang Maute Group na naghahasik ng karahasan ngayon sa Mindanao.
Dagdag pa ni Esperon, binabantayang mabuti ng mga sundalo’t pulis ang exit point ng Mindanao para mahuli na ang mga ito at matuldukan ang terorismo.
By Ralph Obina
Martial Law sa Visayas at Mindanao malabo—Esperon was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882